Polusyon—ano ba ito? Hindi gaanong problema yan. Ito ay maaaring maging reaksiyon ng mga makabagong bansa ngayon. Marahil ay tama sila. Ano nga ba naman ang ginagawa ng kanilang maunlad na kaalaman sa teknolohiya at agham? Na patuloy parin sa pagtuklas ng mga makabagong paraan sa lalong ikauunlad at ikagagaan ng ating mga gawain. Subalit sa ating pagunlad na ito, lubha ngang nakakaligtaang pangalagaan ang ating kapaligiran. Isang halimbawa na rito ang pagkakaimbento ng sasakyan . Oo nga’t nakakapagbigay ito ng kaginhawaan sa pagbibiyahe, subalit sa pagdami nito, mabilis ding lumalala ang suliranin ng polusyon. Ano nga ba ang kahulugan ng polusyon sa ating mundo? Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran o, sa iba pang kahulugan, kadumihan ng kaisipan. Sa pangkapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang polusyon ng hangin at polusyon ng tubig. Ayon sa ibang depinisyon, “ito ay isang uri ng gawain o estado na pinadudumi at sinisira ang lupa, tubig, hangin, bayan, o/at atmosphere gamit ang mga harmful nakasisirang sangkap o gamit”.
Mayroon tayong tatlong uri ng polusyon; ito ay ang polusyon sa lupa,tubig, at hangin
- POLUSYON SA LUPA
Ang polusyon sa lupa ay iyong pagtatapon ng mga basura kahit saan at ang pagpuputol ng mga puno, at iba pa. Karamihan sa mga tao ay nababahala hinggil sa kapaligiran, marami ang hindi nag-aatubili sa pagtatapon ng basura sa lupa, pagtatambak ng basura sa ilog, o pag-iiwan na nakabukas ang mga ilaw kahit hindi naman ginagamit ang mga ito. Waring maliliit na bagay lamang ito, subalit kung ang bawat isa sa bilyun-bilyong indibiduwal sa lupa ay magiging maingat sa pakikitungo natin sa lupa, malaki ang magiging epekto nito. Ang mga bagay na gaya ng pagtitipid ng enerhiya, pakikipagtulungan sa mga programa ng pagreresiklo, at tamang pagtatapon ng basura ay nakatutulong sa pag-iingat ng ating kapaligiran. Sa pamamagitan ng ating mga kaugalian ay maipakikita natin ang ating pagmamalasakit sa lupa sa ngayon.
- POLUSYON SA TUBIG
Ang polusyon sa tubig ay kontaminasyon sa mga anyong tubig. Halimbawa nito ay ang mga lawa, ilog, karagatan, at mga tubig sa ilalim ng lupa. Ito ay nangyayari kapag ang mga dumi at basura ay itinatapon sa mga anyong tubig at patuloy itong nadudumihan.
Ang polusyon sa tubig ay isa sa mga pangunahing problema sa ating mundo. Sa katunayan, karamihan sa mga sakit ay nagmumula sa tubig. Ang paglusong at pag-inom sa kontaminadong tubig ay nakakapagdulot ng sakit na minsan ay nakakamatay.
Sinasabing ang tubig ay kontaminado kung ito ay may mga organismo o virus na nakakasira sa kalusugan ng isang tao. Karamihan sa mga kalamidad gaya ng bagyo, baha at ulan ay nakakapagdulot ng pag-iiba sa kalidad ng tubig na ating iniinom.
Ang mga sanhi ng polusyon ng tubig ay ang pagtatapon ng mga basura at pagtatapon ng mga pabrikka ng mga nakakalasong kemikal dito. Ang mga epekto nito ay bumaho at pumangit ang mga magagandang anyong tubig, namatay ang mga naninirahan dito, nawalan tayo ng pagkukunan ng mga malilinis na inumin at pagkain, at nagkakasakit tayo dahil sa dumi ng tubig.
Sanhi din ng polusyon sa tubig ang tinatawag na “sewage”. Ito ay ang tumutukoy sa lahat ng dumi na galing sa tao tulad ng ihi, dumi ng tao, at iba pang dumi na galling sa ating bahay. Madalas ang mga sewage ay kinokolekta sa mga kabahayan at dinadala sa pamamagitan ng mga tubo upang ipunin. Ngunit kung minsan, ang mga sewage na ito ay nagdadala sa mga ilog at dagat na nagiging sanhi ng polusyon sa tubig.
Isa pang sanhi ay ang mga fertilizer. Kung maraming fertilizer ang mapunta sa mga katawang tubig lalo na sa mga ilog dahil ito ay malapit sa mga bukid, maaaring maapektuhan ang buhay ng ilang hayop dito.
Ngunit hindi naman lahat ng sanhi ng polusyon sa tubig ay gawa ng tao. Mayroon din tayong tinatawag na natural na sanhi. Isang halimbawa nito ay ang mga trahedyang nangyayari tulad ng pagputok ng isang bulkan at pagdating ng mga bagyo.
- POLUSYON SA HANGIN
Polusyon sa hangin ang tawag sa pagiging marumi at pagkakaroon ng hindi kaaya-ayang simoy ng hangin dahil sa mga usok na inilalabas ng mga sasakyan at mga pabrika, pagkawasak ng Kagubatan, pagsusunog ng mga goma at basura, at paninigarilyo.
Ayon sa pag-aaral, may iba’t ibang pollutant sa hangin. Isa sa mga pinakamapinsalang pollutant sa hangin ay ang carbon dioxide (CO2). Ang CO2 ay natural na matatagpuan sa hangin, ngunit kapag mataas ang konsentrasyon nito, nagdudulot ito ng greenhouse effect o pag-init ng mundo. Ayon sa mga eksperto, tumataas ang konsentrasyon ng CO2 ng 4% kada taon. Ang CO2 ay nagmumula sa pagsunog ng fossil fuels.
Ang nitrogen dioxide (NO2) ay isa pang mapinsalang pollutant. Ito ay karaniwang nagmumula rin sa pagsunog ng fossil fuels at biomass. Ito ay kulay brown-red at may mabahong amoy. Ang NO2 ay isa sa mga sanhi ng pagnipis ng stratospheric ozone.
Ang sulfur dioxide (SO2) ay nagmumula sa pagsunog ng mga fuel na may sulfur katulad ng petroleum at coal. Ang mga pabrika ang karaniwang pinanggagalingan ng SO2. Ang SO2, kasama ng nitric oxide, ay bumubuo ng iba pang pollutants gaya ng nitric acid vapor at NO2 na kalauna’y nagiging acid rain.
Ang carbon monoxide (CO) naman ay ang ibinubuga ng mga sasakyan. Bagamat wala itong kulay at amoy, ito ay lubhang mapinsala.
Ang chlorofluorocarbons (CFCs) ay nagmumula sa mga aerosol spray at pagsunog ng mga plastic foam. Ang CFC ay isang greenhouse gas at nagdudulot ng pag-init ng mundo.
Ang suliraning ito ay malaki at talagang napakasama amg epekto sa kalusugan ng mga tao. Ang ibinubunga nito sa atin ay pagkakaroon ng ilang mga Respiratory Infections tulad ng asthma, lung cancer at bronchitis. Maruming hangin din ang nagbibigay daan sa paglala ng ozone depletion.
- SOLUSYON SA POLUSYON
IWAS POLUSYON
i-wasan ang pagtatapon ng langis mula sa barko
w-ag magtapon ng basura kung saan saan, sa halip itago na lang
a-ralin ang mga hakbang kung paano ang Reuse/Reduce/Recycle
s-umunod sa mg autos na ipinatutupad ng gobyerno ukol sa pag-iwas sa polusyon
p-alawakin ang isip para sa kaligtasan ng mundo
o-obserbahan ang mga nakakasama sa kalikasan
l-agyan ng pangalan ang mga nakakasamang bagay sa kapaligiran
u-nawain ang mga nakasulat para sa kaligtasan
s-olusyon para sa nasirang mundo huwag tanggihan
y-amang kalikasan huwag dumihan
o-bserbahan ang mga pabrika na may maitim na usok na nakakasama na sa kalusugan at pag ito ay hindi pinakinggan isumbong sa kinauukulan
n-ayong malinis maganda huwag dumihan dahil ito ay likha ng panginoon at huwag ito pabayaan…
o-obserbahan ang mga nakakasama sa kalikasan
l-agyan ng pangalan ang mga nakakasamang bagay sa kapaligiran
u-nawain ang mga nakasulat para sa kaligtasan
s-olusyon para sa nasirang mundo huwag tanggihan
y-amang kalikasan huwag dumihan
o-bserbahan ang mga pabrika na may maitim na usok na nakakasama na sa kalusugan at pag ito ay hindi pinakinggan isumbong sa kinauukulan
n-ayong malinis maganda huwag dumihan dahil ito ay likha ng panginoon at huwag ito pabayaan…
Hindi magtatagal ay maaaring hindi na matirhan ang mundo, maaaring malapit ng magunaw ito. Hindi dahil sa mga bagyong dumaraan sa atin o sa mga lindol na ating nararanasan. Dahil ito sa unti-unting nang namamatay ang pinakamamahal nating planeta. Kung magkakatotoo man ito hindi na kasalanan ng kalikasan kundi tayong mga tao rin. Ang hanging ating lalanghapin ay magiging mapanganib sa ating katawan. Samantalang ang tubig nating iinumin ay mistulang magiging lason. Ito ang malagim na dulot ng polusyon, ang ating pangunahing kalaban na hindi nakikita.
Sa simula, pawang nagwawalang bahala lamang ang mga bansang apektado ng polusyon. Ngunit dahilan sa dumaring na ang mga taong nagkakasakit at namamatay dahil dito, nagsisimula ang kilusan laban sa polusyon. Karamihan sa mga industriya at pabrika sa mundo ay pawang sumusunod sa pagsugpo ng polusyon. May mga bagong tuklas ngayong mga pamamaraan upang ang mga dumi at usok na inilalabas ng mga pabrika ay malinis muna bago itapon. Ang mga sasakyan naman ay nilalagyan ng mga makabagong gadyet upang ang usok na ibinubuga ay hind maging mapanganib sa kalusugan.
Subalit kung ating ikukumpara, ilan lamang ang mga pabrika at mga sasakyan sa milyun-milyong kauri nito sa buong mundo ang gumagawa ng ganitong kaukulang pag-iingat. Kaya sadyang nanganganib parin tayo ngayon sa malubhang epekto ng polusyon. Subalit hindi pa huli ang lahat upang iligtas natin ito. Kooperasyon lamang ng bawat isa ang kinakailangan. Magtulong-tulong tayo upang mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran kasama na dito ang pagdadasal.
Mahalin po natin ang mundo, iisa lamang ito.