Ang pagpasok ng kolehiyo ay masasabi kong isa sa pinakamahalagang parte
o kabanata ng aking buhay maging sa aking pagkatao. Dito ako natuto at nahubog
upang maging isang responsableng tao at isang huwarang kabataang gaya ng nakararami.
Ang aking mga karanasan sa kolehiyo ang nagturo o tumulong kung paano harapin
at unawain ang lahat ng problema na dumarating sa aking buhay at kung paano
ienjoy ang aking buhay.
Sa
kolehiyo ko naranasan ang umiyak at magmakaawa sa aking mga terror na
propesor,ang halos hindi na matulog ng gabi dahil sa dami ng asaynment,
pradyek, at maging sa pagrerebyu. Dito ko nga naranasang uminom ng kape tatlong
beses sa iang gabi habang nagrerebyu. Aamin ko nakaranas din akong hindi maligo
upang umabot sa aking klase. Dito sa kolehiyo ko naranasan ang iba’t ibang
problema o hirap na sumusubok sa iba’t ibang aspeto ng aking personalidad. Itong
mga problemang ito ang tumulong sa akin upang maging matatag. Sa aking
pag-aaral, mas lalo kong nalaman na sa
kabila ng hirap at sakit ay may pag-asa at ginhawang kapalit.
Naaalala
ko noon ang sinabi n gaming propesor sa aming klase na “ang pag-aaral ay isang
pagtuturo din”. Ngunit hindi ang pagtuturo sa harap ng mraming tao o estudyante
kundi pagtuturo sa iyong sarili kung paano mo uunawain at isasabuhay ang iyong
mga natutunan at matututunan. Sabi nga ng iba, sa kolehiyo daw pinakamatagal na
ang 4 hanggang 5 oras na tulog. Ngunit sa aking naranasan at natutunan, ang
pagtulog ng maaga sa gabi ay mas mainam pa kaysa sa pagpupuyat dahil sa padrerebyu.
Alam naman natin na ang pagpupuyat ay nakakaepekto sa ating kalusugan at lalo
na sa ating memorya o kaisipan. Karamihan sa ating mga mag-aaral ang nakaranas
ng mablanko habang nagsasagot ng isang pagsusulit.
Marahil
marami din sa atin ang nakaranas ng mainis o magalit sa ating mga propesor. Sino
nga naman ba ang hindi magagalit kung ginawa mo na ang lahat at halos hindi ka
na matulog ay kulang parin sa kanila. “Wala man lang konsiderasyon!”, ito ang
lagi nating sinasabi o binabanggit kapag sila ay nakatalikod na. Aaminin ko na sat
wing may pinapaulit sa akin na pradyek ang aking propesor hindi ko naiiwasang
madismaya at mainis. Ngunit habang ako
ay nag-aaral mas lalo kong nauunawaan ang sinasabi sa akin ng aking mga
magulang tuwing ako ay napapagalitan. Na kaya nila ako pinapagalitan ay gusto
nila akong mapabuti at upang ako ay matuto. Dito ko naramdaman na ang mga guro
nga pala ang nagsisilbing ating pangalawang magulang.
Hindi
rin natin masisisi ang ating sarili na malungkot o madismaya sa tuwing babagsak
tayo o mag-uulit sa ating subject. Ngunit hindi dapat tayo sumuko. Maaaring kaya
tayo bumagsak ay wala pa tayong sapat na kaalaman tungkol sa subject na iyon. Tandaan
natin na ang mga subject natin ay magsisilbing palamuti lamang kung hindi natin
ito aaralin at pagtutuunan ng pansin at ang tinta ng ating mga panulat ay
magsisilbing mantas lang ng ating mga papel kung hindi natin ito babasahin at
isasaisip. Hindi mahalaga kung sino ang una at huli,hindi mahalaga kung sino
ang nakakuha at hindi bagkus ang pinakamahalaga sa lahat ay kung ano ang iyong
mga natutunan habang ikaw ay nag-aaral na magagamit mo habambuhay.
Ang
buhay kolehiyo ay hindi lamang puro sakit at hirap. Sabi nga nila boring ang
buhay kolehiyo kung wala kang kalokohang ginawa o ginagawa. Andyan ang mga
kabarkada na kasama mo sa galaan, tambay sa paligid, at sino ba hindi
makakaranas ng lumiban sa klase.
Bagama,t
lagi nating isaisip na sa kabila ng anumang paghihirap lagging may katumbas na
saya at ginhawa, at ang lahat ng ginhawa minsan ay may kapalit na sakit kung
ito ay hindi isasagawa ng tama.
Panghuli,
ang buhay kolehiyo ay hindi kumpleto kung hindi ka makakahanap ng isang kasintahan
na masasabi mong isang inspirasyon. Gaya nyo, ako ay may kasintahan na nakilala
habang ako ay nag-aaral. Masasabi kong siya na ang gusto kong makasama
habambuhay at hindi na ako maghahanap pa ng iba. Shirley ang kanyang pangalan
at Siya ang isa sa kukumpleto ng aking pangarap na magkaroon ng malaki at
masayang pamilya. Sa buhay kolehiyo, kapag ikaw ay nagmahal gawin mo syang
isang inspirasyon na kaya ka nag-aaral ay para mabigyan siya ng magandang buhay
at para maiahon sa kahirapan ang iyong mga magulang.
Sa
kasalukuyan, ako po ay nag-aaral sa Central Luzon State University o mas kilala
sa tawag na CLSU at ako po ay kumukuha ng kursong Bachelor of Science in
Agricultural Engineering (BSAEn). Bagaman mahirap po ang aking kurso, ako ay
nangagako na tatapusin ko ang aking kursong ito dahil ito ang aking pangarap at
para sa akin walang kurso ang madali, kailangan mo munng magsikap bago mo
makamtan ang tagumpay.
Ito
ang aking pangarap ang maging isang inhinyero. Ngunit pag nakamit ko na ito,
patuloy parin akong mangagarap dahil naniniwala po ako na “ANG PANGARAP KONG
MAGING INHINYERO AY ANG AKING PANGARAP LAMANG KAYA’T PATULOY AKONG MANGAGARAP
NG MATAAS DAHIL HINDI KO PA NAAABOT ANG PANGARAP SA AKIN NG ATING PANGINOON”
instagram takipçi satın al
TumugonBurahininstagram takipçi satın al
instagram takipçi satın al
instagram takipçi satın al
instagram takipçi satın al
instagram takipçi satın al
instagram takipçi satın al
Great . Keep writing such beautiful blogs. Turkey visit visa requirements are updated as per the requirement of Time . And you can also read all the important information about the Turkey entry requirement by 1 click.
TumugonBurahinkadıköy lg klima servisi
TumugonBurahinmaltepe daikin klima servisi
kadıköy daikin klima servisi
kartal toshiba klima servisi
ümraniye toshiba klima servisi
kartal beko klima servisi
ümraniye beko klima servisi
beykoz lg klima servisi
maltepe alarko carrier klima servisi